魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > Francis Magalona > Nilamon Ng Sistema

Francis Magalona



歌詞
專輯列表

Francis Magalona

Nilamon Ng Sistema

Merong akong kilala ang pangalan ay pamela, naghahanap ng trabaho lumuwas
Siya ng maynila, ako'y nag-alala sapagkat hindi niya nalalaman na ang buhay
Sa maynila ay 'di basta-basta lang, mga buwitre ang nagliliparan lumilipad
Sa may siyodad nag-aantay na lamang, bubot inosente batang-bata wala pang
Bente katorse anyos lang at marami ng kliyente, niloko siya ng rekruter
Hinamak at wanasak ang kanyang kinabukasan ay tuluyan ng nawarak

Ito naman ang istorya nang isang batang gumagala, sampung taong gulang
Palang nagka-hinahinala, ang kilos ng musmos dahil lasing nanaman si itay
At siya'y pinag-buhatan ng kamay, si inay nagsusugal doon sa madyungan
更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網
Napakasakit kapag walang humahagkan, lumayas sa kanila at nag-alsabalutan tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan, diyan sa kanto sumasama kahit
Kanino isipin ninyo kung sino ang may sala dito

Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan patungo sa ibang bansa saan sa japan
Matulungan lamang mai-ahon sa kahirapan ang pamilyang umaasa sa kanila lamang
Ilan sa kanila ang umuwing luhaan inabuso, minaltrato at saka sinaktan tigilan
Na ang ganitong paraan nangpamumuhay ng ating kababaihan, masisi ba sila o
Dapat kaawan kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan